TOTGA

img_3142

Umaasa ka na naman
Umaasa ka na naman na babalik siya
Na sa pagkahol ng mga aso ay agad agad kang lumabas upang tignan kung siya ang dahilan nito
Na sa pagtunog ng mga kungkong na nakasabit malapit sa pintuan ay ang siya niyang pagpasok
Na sa aksidenteng pagkalaglag ng tinidor ay ang siya niyang pag bisita sa iyo
Umaasa ka na naman
Umaasa ka na naman na naaalala ka niya
Na noong nakagat mo ang iyong dila ay agad-agad kang humingi ng numero at ang katumbas na letra ay unang letra ng pangalan niya
Na noong ika’y nasamid iniiisip mong iniisip ka rin niya
Pati ba naman ang pagiging walang ingat mo sinisisi mo sa kanya
Pati ba naman sa mga simpleng bagay tanga ka
Umaasa ka na naman
Paulit ulit mong binibisita ang kanyang facebook upang tignan kung ayos lang siya
Tinitignan mo nga ba kung ayos lang siya o kung meron na siyang iba?
Ilang beses mo na nga ba pinindot ang kanyang pangalan sa messenger?
Ilang beses ka nang nagtype ng mensahe pagkatapos ay binura mo at pagkatapos nagtype ka hanggang sa binura mo na naman
Kailan ba mawawala ang mga daga sa tiyan mo? Kelan ba lalakas ang loob mo?
Balikan mo ang mga alaala niyo
Balikan mo kung paano ka niya pinahalagahan noong akala mong hindi ka mahalaga
Balikan mo kung paano ka niya pinasaya noong mga panahong halos maubos na ang iyong mga luha
Balikan mo kung paano niya pinaramdam sayo na mahal ka niya pagkatapos kang lokohin ng iba
Balikan mo kung paano ka niya isinalba sa relasyong para kang basura
Balikan mo kung paano ka naging masaya sa piling niya, kung paano mo siya minahal at napasaya
Huwag kang matakot balikan ito pati na rin ang masasakit
Naalala mo ba noong napagod ka?
Naalala mo ba noong naramdaman mong may kulang?
Higit sa lahat, naalala mo ba noong iniwan mo siya?
Napakatanga mo
Oh ngayon nagsisisi ka?
Nagsisi ka na hindi mo pinahalagahan yung ka isa-isang tao na nakakita ng halaga mo
Nagsisi ka na mas pinili mong magmahal ng iba kaysa sabihin sakanya kung ano ang kulang
Teka teka palitan natin, nagsisi ka na hindi ka nakuntento sa kung anong kaya niyang ibigay sayo
Ngayon nasaktan ka sa pinili mo, napagod ka at mag-isa ka na
Napagtanto mo na sa hinaba haba ng panahong lumipas siya pala talaga ang gusto mo
Napagtanto mo na ikaw talaga ang mali at hindi ka karapat dapat sa pagmamahal niya noon
Sabi nga nila bawat tao ay mayroong tinatawag na “the one that got away”
Walang kaduda duda na siya na nga ang totga mo
Ngayon gusto mong humingi ng tawad sa kanya at sabihin ang iyong nararamdaman ngunit natatakot ka
Natatakot ka na hindi kayo pareho ng nararamdaman
Na hindi niya naman lubos na iniisip ang nakaraan niyo gaya ng pag-isip mo dito
Takot kang malaman na hindi niyo na pwedeng ibalik ang dati dahil hindi ka na niya kayang mahalin ulit
Ngayong handa ka na, takot kang ayaw na niya
Wag kang matakot
Wala kang dapat ikatakot, sa dami ng nagpadaanan mo matapang ka na
Kaya mong harapin ang bukas nang mag-isa
Hindi nyo man maibalik ang dati, ang mahalaga humingi ka ng tawad
Ang mahalaga ay nabawasan ang mga tanong sa iyong isipan
Ngunit isipin mo, paano kung naghihintayan lang pala talaga kayo?
Hindi pa huli ang lahat, kausapin mo siya.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s