Gumising ka

Gumising ka
Gumising ka sa katotohanang hindi ka niya gusto
Na ang mundo ay isang malaking biro
Ibinigay lang siya sayo bilang pagsubok
Hindi para ang mundo mo’y sakanya itutok
Gumising ka
Gumising ka sa katotohanang isa ka lamang kaibigan
At ang salitang ‘kayo’ ay hindi nya kayang panindigan
Hindi nya kaya sa isa’y makuntento
Iyan ang matagal na niyang sikreto
Gumising ka
Gumising ka sa katotohanang hindi lang ikaw ang sinabihan nya ng ‘mahal kita’
Huwag mong isipin na ikaw lang ang kanyang nakikita
Itatak mo sa iyong isip na hindi siya iba
Pareho lang siya sa mga dati mong nakilala
Unti-unti ka niyang pasisiyahin hanggang sa ika’y umasa
Ipararamdam niya sayo kung paano siya mag-alaga
Mag-alaga ng mga sakit at hapdi luha at pighati
Mag-alaga ng mga lihim mong pinakatatago mga palaisipan na bumabagabag sa iyo
Gagawin niyang puno ng saya ang malungkot mong umaga at puno ng liwanag ang napakadilim mong gabi
Sasabihin nyang ika’y mahalaga sa pamamagitan ng paghalik sa iyong mga labi
Ikaw naman tong si tanga, agad naniwala
Mga pader na matagal mong itinayo, agad ibinaba
Doon
Doon mo mapagtatanto na nahulog ka na sa kanyang patibong
At hindi ka na makakaurong
Kaya bago mahuli ang lahat
Gumising ka

 

03/14/2016

2 thoughts on “Gumising ka

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s